Daniel Padilla

Malay ko Lyrics



Minsan, ang buhay

Sadya ba itong makulay

Mayroong saya

Mayro'ng lungkot din 'tong dala



Parang hangin, nadarama

Pero 'di naman ito nakikita

Tulad sa dilim

Hanap ko'y liwanag din



Ako'y nagtataka, naiiba

Ang aking nadarama

Buhay ko'y nagkagulo

Mula nang ika'y iwanan ko



Nangangarap na sana'y

Kaya kong ibalik ang kahapon

At 'di na muling

Magkamaling iwanan ka



Sa pagdikit ng aking mata

Ikaw pa rin ang nakikita

Ang yakap mo

Hanap ko sa t'wina



Ako'y nagtataka, naiiba

Ang aking nadarama

Buhay ko'y nagkagulo

Mula nang ika'y iwanan ko



Sana'y may bukas pa

Aasahan sa pag-ibig mo

At nang muli kang

Mahagkan sa labi



Maghihintay ako

Sa muling pagtibok

Ng puso mo

At 'di na muling

Magkamaling iwanan ka