Ebe Dancel

Cuida Lyrics

Kung ako lang ang masusunod

Aakuhin ko ang 'yong pagod

'Di ka na muling luluha

Lahat ng 'yong dinadala, akin na



Kung akin lang ang mundo

Ibibigay ko siya sa 'yo



Kung pag-aari ko lang ang lumbay

Itatago ko siya habang buhay

Wala nang inggit, wala nang galit

Paliligayahin kita bawat saglit



Kung akin lang ang mundo

Ibibigay ko siya sa 'yo



Kung hawak ko lang ang panahon

Wala nang kahapon at bukas, meron lang ngayon

At nais kong maging saysay ng aking buhay

Ay bigyan ang iyo ng kulay



Kung akin lang ang mundo

Ibibigay ko siya sa 'yo

Sa 'yo



Kung akin lang ang mundo

Kung akin lang ang mundo

Ibibigay ko siya sa 'yo