Skusta Clee

Zebbiana Lyrics

[Intro]

Flip-D on the beat

Panty Droppaz League



[Verse 1]

Kapag naalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa

Ngiti at luha sa 'king mga mata, ganun na pala tayo dati kasaya

Yung tipong kapag tayo'y nagkatitigan

Magngingitian para bang nahihibang

Mag-iingay kahit sobrang tahimik ng kapaligiran

Kahit may nagrereklamo na'y wala tayong pakielam

Panahong nandun ka pa laging pumupunta

‘Di inaasahan may sorpresa ka laging dala

Ang saya-saya, ayoko lang pahalata

Kase okay na naman ako basta makasama ka



[Pre-Chorus 1]

Kaso lang wala na, pero alam ko na masaya ka na

Sa mundo ko wala nang makakagawa

Makakatumbas ng 'yong napadama



[Chorus]

Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo

Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko

At inaamin ko na namimiss kita, na namimiss kita (at inaamin ko)

Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko

Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko

Pangakong ipagdarasal pa rin kita, ipagdarasal pa rin kita

[Verse 2]

Kase 'di ko na matiis, love

Dahan-dahan kitang name-miss, love

Ilang beses man nilang aliwin

Ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong kini-kiss, love

‘Di pumapayag na 'di kita kasama

Kung makayakap, daig pa mag-asawa

Naka-alalay sa ano mang bagay

Mawala man ako sa sarili, laging nandyaan ka

At kung mababalik ko lang

Aayusin ko lahat sa loob ng pitong buwan

Maghihilom ang lahat sa puso mo na duguan

Balang araw kaso biglang umulan (Yeah)



[Pre-Chorus 2]

Dahil nga wala ka na, pero alam ko na masaya ka na

Sa mundo ko wala nang makagagawa

Makakatumbas sa 'yong napadama, oh



[Bridge]

Alam ko namang kasalanan ko, oh, sinayang ko

Malabo nang pagbigyan mo, malabo nang pagbuksan mo, oh hoh

Kahit ano pang paghirapan ko, pa'no kung ayaw mo

Anong magagawa ko, anong magagawa ko



[Chorus]

Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo

Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko (puso't isip ko)

At inaamin ko na namimiss kita, na namimiss kita

Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko (ang baby ko)

Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko (sa piling ko)

Pangakong ipagdarasal pa rin kita, ipagdarasal pa rin (yeah, yeah, yeah)

Kaya salamat sa pag-ibig mo, pag-ibig mo

Lagi kang nasa puso't isip ko, isip ko (ayy)

At inaamin ko na namimiss kita, na namimiss kita

(namimiss kita, no, no, no, ohh)

Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko (ang baby ko)

Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko

Pangakong ipagdarasal pa rin kita, ipagdarasal pa rin kita

(ayy, no, no, no, ohh)

Hey!